top of page

Araw

  • Writer: Palitz Reyes
    Palitz Reyes
  • Feb 7, 2022
  • 1 min read





Isang araw na naman ang lumipas. Wala namang bago. Dumaan ang araw na dinadag sa buhay ko na syang bawas ng oras ko sa mundo. Nagising, kumaen at naglakad ng naglakad para pumatay ng oras. Ilang stick din ng yosi ang naubos ko na ilang ulit ko ng sinabing ititigil ko. Walang ginawa kundi magisip. Hindi tumitigil kakaisip ng mga bagay na wala namang kasiguraduhan at kasagutan. Alam ko, pumupurol na ang utak ko kakaisip pero ayaw tumigil. Ilang linggo, buwan akong nagkakaepisodes ng anxiety ko. Ang sabi ng doktor ko, kailangan kong gumawa ng bagay na makakapagpaalis ng nararamdaman ko. Diversion ba.

Pero wala akong nasisimulan. Dati, yung paglalakad ko sapat ng makapagpakalma sa akin. Ngayon hindi na. Bawat lakad ko at tigil, lalo lang akong nagiisip. Lalo lang lumalaki yung takot ko. Lalo lang akong napapagod. Pagod. Mula ulo hanggang paa, mula puso hanggang kalukuwa. Bawat araw umaasa akong may bago Pero wala. Wala kasi wala akong ginagawa para may magbago. Kasalanan ko. Alam ko naman. Pero hindi ko din alam kung bakit di ako makapagsimula ulit. O baka alam ko kung pano, ayaw ko lang. Ayoko. Ayokong umasa ulit na magiging ayos lang ang lahat. Na kakayanin ko uli. Ayokong madapa ulit kasi hirap na hirap na akong bumangon. Ni hindi ko alam kung makakabangon ako. Tiwala lang sabi ng iba. Yan din ang sabi ko sa iba. Pero ubos na. Ubos na ubos na ako. Lahat ng bagay tapos na sa utak ko. Pero sa realidad, andito pa din ako, hindi makapagsimula.



 
 
 

Comments


Let the posts
come to you.

Thanks for submitting!

  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Pinterest

Let me know what's on your mind

Thanks for submitting!

© 2021 BLINDING

bottom of page